Wednesday, July 21, 2010

the hardest things

(edited: mali pala ako ng kulay. lol!)

the last month was quite fast-paced para samin dito. ewan ko. masyado lang cgurong busy sa trabaho at sa mga extra curricular activities na kailangan para masabing tao talaga kami at hindi robot na trabaho lang ang gnagawa sa buhay.

hmm.. ano ba?.. nag clubbing kame with batchmates, double up party un wid mark & cj kambal (andun din c reagan decena at lyra, kaso basag na cla nung dumating kami sa bar so wla rn kwentang mkipagusap sa kanila)

pagkatapos nun pinasyal namen ang UST singers sa london--d usual places.enjoy naman kahit 3 days lang namen cla inampon at nakachika. ang galing nila, as in! lumaban cla sa wales at naging choir of the year cla. winners talaga!

tapos magkasabay na bday celebration ng dalawang batchmates, sa magkaibang bahay. wasak na naman ang mga tao, at mukang binagyo ang bahay namen pagkatapos.

then back to work.
super pagod ako ngaun. buong araw akong nasa kama lang. tapos may mga naaalala akong mga bagay:

* ang hirap maging HONEST. i had a dying patient na alam ko nang ndi na magtatagal, tinatanong ako ng relatives kung gano pa katagal cya aabot, ang sabi ko, wla sa posisyon kong magsabi nun, ang alam ko lang malala na cya at mas makakabuting magpunta na lahat ng kamag-anak nila bago pa mahuli ang lahat. ilang beses ko prinaktis ang sasabihin ko bago humarap sa kanila, naninikip pa ang dibdib ko pagkatapos kasi alam ko, alam kong ibinagsak ko lahat ng pag-asa nila. tama naman pala ako, 2 hrs after i said that--wala na ang patient.

* magrisk ng mga bagay bagay. particularly sa relationships. natatakot ako ulit umibig (naman, cheezy!!) dahil natatakot akong mawala ang mga importanteng tao sa buhay ko, natatakot akong mag-isa, natatakot akong masaktan. tapos ngayon bumabalik ako sa unang statement kong mahirap maging honest--ang hirap umamin ng tunay na nararamdaman, lalo na kung sya ang iririsk ko/namen--ang friendship namen ng closest friend ko dito. (well, yeah, that's a different story. lol!)

* tanggapin na wala na talaga. mabalik tayo sa trabaho ko, ang pasyente ko for 56 days passed away yesterday. it was so depressing for me watching his blood pressure go down to systolic of 40's--ang kaso NFR na sya, yun nalang talaga gagawin ko, watch him take his last few breaths, stand with his family in his last few minutes. 3 hrs after mag flat line, nagiiyakan pa rin ang family. naiintindihan ko naman sila, i can feel their pain. i've been there.. at para na rin yan sa bigong lab stories, kahit gano mo pa gustong irevive, kung wala na, wala na talaga. there are just some things we can never get over with, we would just learn how to live with it, eventually.

these are the things that i find hardest these days, but if these things didn't exist, we would not be able to appreciate the best things in life. the opposites of these, the moments wherein we overcome these hardships.

Tuesday, July 6, 2010

Pressure at 100

Sinabi sakin ni Yyen dati nung first year na masyado daw akong maraming requirements sa lalaki. Yun naman ay dahil gusto kong maging boyfriend si Tuxedo Mask. Nitong time na to eh NBSB pa ako na galing sa isang all girls school. So ang experience ko sa lalaki ga 5/100.

Dapat ko nga bang ibaba ang standards ko when it comes to love? Just because everybody's doing it?

Alam nyo naman ang love life ko noon, so di ko na ikwekwento. Pero ang masasabi ko lang na kahit sabihin ko pa noon na hindi ako naprepressure na lahat eh nagkakaboyfriend... ramdam ko pa rin. Ramdam ko kapag may nagtatanong na: "O, bakit wala ka pang boyfriend?"

Parang, teka, is something wrong with me?

A few years has passed. May boyfriend ako.. in-love ako. Experience ko sa lalaki, hmm, mga 45/100. Maraming nagbago, pero one thing remains the same. Pressure. Madami daming mga ka-batch or ka-edad ang:

A: nasa abroad at dumadakot ng pera "ano na nangyayari sa mga application mo?"
B: may anak "mag-anak ka na baka magka-kanser ka na" - c/o Zherdy
C: may asawa "hindi pa ba kayo magpapaksal?"
D: Both B and C
E: may boyfriend at nagsesex sila "bading ba yun?!"

Dapat na naman ba akong mapressure to conform? Dapat ba na ngayong 25 y/o na ako eh may asawa, anak, at madaming pera na? Teka, ano ng gagawin ko sa natitirang 60 years?

Maaring sabihin na hindi ka naprepressure ng society at ng pamilya at mga kaibigan ko. Para sa katulad kong nag-iisa sa buhay, madaling sabihin na, "I am my own person" pero, how much of my own person is influenced by the decision of others? How do i know i am not copying THEIR plans?

Pero hindi ko maidedeny na nararamdaman ko ang pressure. Ako lang ba?