ahihi.
kwento ko lang yung nangyari sakin kanina.
It was an ordinary (tiring, stressful, loooooong) night at the office and I was a bit sad when I learned I had to go home alone. Usually, I have someone who goes home with me and we chat about what happened during the shift and laugh all the stress away.....but because of my change in schedule, I could not wait for them. Anyway, I arrived at Petron in Main Avenue and waited for my bus. I thought I was going to wait long when the bus came and it stopped for me.
I was about to go up, when suddenly a guy came rushing down and I had to make way for him and then I heard,
"Angela!"
I looked up and saw this guy from where I previously worked, and woah! I was so surprised I just had time to say his name..........
(Parang pang-movie moment lang yung part na yun, I swear )
and then I went up the bus.
STUPID.
C'mon, this was the guy... you know, basta... THE GUY that I almost liked before. I just did not have time to get to know him then because I had to resign. And seriously, ( I don't care if he reads this) I was secretly/somewhat flirting with him then, and that was when I learned, flirting was fun pala! hihihi. Basta, he made so many kilig moments before that it still makes me smile whenever I think about them and it's making me wish there was someone who could make me feel that way again now.
But you know, it was a surprise kilig moment and well, it made my morning. =)
Nevermind that I did not have someone with me going home today, coz I just saw SOMEONE who I did not expect to see.
It was stupid to just let go of the moment because it actually looked awkward that I went up and left him there. But the bus stopped for me, and baka sagasaan lang ako ng bus sa gitna ng Edsa kung nakipagkamustahan pa ako sa kanya?
Not bad eh, for a happy ending.
And it was also kind of embarrassing because I went up the bus still, and you know, looked out the window and what I did was, just kind of WAVED at him with a BIG SMILE to say,
"Nice to see you again, you still look cute! even if you have a big payong and you look like you're wearing your pambahay!!!"
hay nako.
o, ano na nga ba?
eto, SINGLE pa din ako.
After 4 years, ano na ang ginagawa natin, nasan na tayo at malayo na ba ang narating natin from Colayco Park? :) Kahit ano pwedeng isulat about anything. Blog On!
Monday, June 28, 2010
Tuesday, June 22, 2010
deprive sa beach
@ Vhelie:
Naexperience ko na din ang paglalawa ng poopsie dahil sa lactulose... dahil every 5 days mag poopsie at super constipated, increased to twice a day ang mahiwagang pampadumi... and finally, umeffect din ang lactulose after so many years na madalang na pagpopoo ng patient ko kahit may sennokot na... lumawa siya, at isama mo pa ang pagkutkot ng diaper ng patient almost every hour dahil sa poopsie hehe
@ Ekai:
Pangarap ko din ang pangrap mo... kaya lang sa panahon ngayon, di pa practical para tupadin ang pangarap na yun hehehe... pangarap ko din magaral ng cosmetology, para pwedeng may side line racket sa make-up :) korek ka na masarap maligo sa ulan, enjoy lalo na pag kasama ang mga katropa... yaan mo na din, d din kami natuloy nung sat, madaming nangyari hehe... pero niyaya din ako ni Jigs na manuod kanina... so nawatch ko na ang SATC 2 hehe...
Hay!!! Its been more than a year since I went to the beach to relax... the last time was Dec 6-7 if i recalled it correctly malapit sa Laiya sa Batangas... since then, di na nasundan... dahil every time na may magyayaya, parati akong hindi pwede dahil sa mga sumusunod na mga kadahilanan:
1- dahil sa false alarm na bagyo last year, d ako pinasama sa puerto...
2- dahil sa biglaan ang plano, d kayang magawan ng paraan makasama dahil may duty
3- available naman pero walang makasama papunta magbeach, dahil d naman pwede na si jigs lang ang kasama ko dahil di din kami papayagan
sabi nga ni nio, ang looser ko dahil d pa ulit nakakapagbeach... oo na! hehehe
namimiss ko na:
ang sinag araw na dadampi sa balat ko at mag-iiwan ng tan line...
ang buhangin na lulubog ng bahagya kapag ito'y nalalakaran at ang pakiramdam sa paa kapag ako'y nakayapak...
ang mga puno ng niyog na ang mga dahon na tila nagsasayaw kapag humahangin...
ang simoy ng hangin ng tabing dagat...
at ang payapang gabi na may kasamang malamig na hangin sa gabi...
huhu, gusto ko na magbeach... :( beach naman tayo... off ako sa july 8-10
at magkita kita naman tayo dahil dadating si rj, off ako ng july 3
Basang Basa sa Ulan / Ako ay isang Eternal NPA
nyahaha. kawawa ka naman vhel. may mga pasyente talagang nananadya minsan. kung bakit sa dinami dami ng nurse na nagaalaga sa kanya. ikaw ang napili nya para gumawa ng mga kakaibang bagay.
@ RJ: oi kita tayo paguwi mo ha! :)
Last saturday, may Rock and Run marathon ako sa the Fort, pero maraming dahilan kung bakit ayaw kong pumunta:
1. Nakakatamad
2. 2 weeks akong walang jog dahil sa maraming bagay na hindi ko alam kung importante ba o ano
3. nababadtrip ako dahil maglilipat na naman ako ng bahay
(Sa totoo lang friends, nalulungkot ako lagi kasi lilipat na naman ako ng tirahan. Kayong mga may magulang pa, or nakatira sa mga magulang nyo, magpakain kayo sa bahay ninyo lagi kasi hindi nyo alam kung gaano kayo kaswerte na may bahay kayong PERMANENTENG titirahan at alam nyo na kahit na anong mangyari, may sasalo sa inyo. Mahirap maging mag-isa. Kaya ang tanging pangarap ko sa buhay at hindi maging isang supermegapowerful NARS or businesswoman. Gusto kong maging isang asawa at ina, na may bahay na permanenteng titirahan. Yun lang. Gusto kong maging parte ulit ng isang pamilya. Maulit manlang sa buhay ko. End Emo Mode)
Pero siempre tumuloy pa rin ako dahil i had nothing better to do that day, since i cancelled na movies with the girls dahil akala ko makakapaghanap ako ng lilipatan that day, pero hindi rin pala dahil naginarte na naman yung unit owner namin.
Anyhoo, habang kumakain ako ng Krispy Kreme (wag ka na magtanong RJ kung bakit ako kumakain ng fatty foods kahit mag jog ako. READ: CARBO LOADING hehe) biglang bumuhos ang MALAKAS na ulan (to add insult to injury).
TANONG: tutuloy ba ako tumakbo? kahit na alam kong pwede akong magkasakit? kahit na alam kong BAGYO ang haharapin ko? kahit na mababasa pati panty ko?
Hindi pa ako nakakaligo sa ulan EVER. kahit nung bata ako hindi ako pinapayagan kasi baka daw magkasakit ako. So, What the hell?
Tumakbo ako ng 5 kilometro sa rumaragasang ulan, baha at polusyon.
It was one of the most memorable and happiest experiences of my life.
Naramdaman kong maging malaya, pasaway at the same time.
Parang ang sarap mabuhay.
Parang sukdulan na ang buhay ko nung mga panahon na yon.
Paglagpas ko ng finish line, hindi na ako buraot dahil lilipat na naman ako ng bahay, or nalulungkot ako dahil maghihiwalay na kme ng roomate ko. Or dahil sobrang toxic ko.
Basta masarap lang mabuhay. Kaya ko pa. Hindi pa ako susuko. :)
Sunday, June 20, 2010
shitty day.
miss A.T. 28 year old female,weighs 80 kgs. type 1 respiratory failure. intubated, mechanically ventilated & a slow wean, then got a tracheostomy. now ventilates via trachy mask with intermittent periods on the non invasive ventilator at night.
social history includes IV drug abuse, massive alcoholic beverage intake (2 liters vodka/day + cider). this made sedation extremely difficult.
--yan.. yan ang usual endorsement namen sa pasyente namen for almost 2 months. sakin nya napipiling magtoxic, magundergo ng scans at magrestless at magdesaturate ng bonggang bongga!!
one fine night (or so we thought), step down na cya sa high dependency (hdu)..pasyente ko na naman cya.PETIX NA!!konti lng ang gamot at infusions.may konteng sedation at antibiotics.may lactulose at senna at 10pm.
for some reason,natoxic kame sa HDU, so madalian portion na.. LACTULOSE 60cc per NG. ksama ng mga ibang gamot.nagbuhos ako ng lactulose ksama ng ibang 10 o'clock meds tpos binigay ko na.
'hmm, parang 60 cc na ata yun.. or not?? naku napasobra ata. haha! yaan na.. lactulose lang naman. hindi nga to tinatablan ng suppository eh' .. kahit na mukhang napasobrahan ko ang paglalagay ko, hahaha! konti lang naman. approx ba!
12mn--nagbreak ako.pagbalik ko..super duper mega restless na ang pasyente ko!!bumababa ng bed..naghahanap ng sedation. max na kami sa clonidine. nag haloperidol na rin kame chaka midazolam. it didn't touch her. then she started pooing like hell. almost every hour. cyempre ever linis kame. life was like that until 6am--when she passed out a freaking huge amount of POO!! it was like the godfather of all poo!!
then she fell asleep.
like a baby.
moral of the story: wag gawing cooking class ang pagbebedside nursing. :p
Saturday, June 19, 2010
o! ano! haha
sa wakas nakasali din ako! hehe
d ko alam na my color pla dpat dito... kya blue na lng ako...
balitaan, kwentuhan, kamustahan...
kamusta na ba tyong lahat? hehe ako?
ganun p din ata, mataba pa din, masayahin pa din...
nag nunurse nursan dito sa probinsya namin para mgka experience... sana makaalis na tyong lahat dito sa pilipinas... hehe
d ko alam na my color pla dpat dito... kya blue na lng ako...
balitaan, kwentuhan, kamustahan...
kamusta na ba tyong lahat? hehe ako?
ganun p din ata, mataba pa din, masayahin pa din...
nag nunurse nursan dito sa probinsya namin para mgka experience... sana makaalis na tyong lahat dito sa pilipinas... hehe
Thursday, June 17, 2010
neurotic na...
After 4 years, this is it pansit! may work na sa hopsital...
akalain niyo na ang pinost ko 4 years ago ay may katumbas na consequece:
Grabe, I missed school as in... I missed our professors and the stuff we're doing so class and duty. I missed Sir Hibek, Sr. Vinoya, Ma'am Manansala, Ma'am Arenas, Ma'am Llanes, Ma'am Buenaflor. I even missed Doctor Guiang e! and the other professors we're under. I even missed the smell of the hospital and wearing an all white uniform, a cap, establishing rapport with the clients and doing stuff, I missed Ma'am Lasala who locks the student room during duty, doing morning care, doing bedmaking and stretching of sheets in Ma'am Tionko's time, the Spanish sardines snacks with Ma'am Llanes and A LOT of NGT feedings in San Vicente Ward!!!
at ayan na nga, namiss ko ang NGT feedings 4 years ago, at dahil dun, *wapak!* nilagay ako sa area na may sangkatutak na Osteorized Feeding.... sa Neuroscience na least expected unit na malalagay ako... hehe
parang premonition ba ito?! haha
HELLO!!!
salamat vhel sa pagpapaubaya mo sakin ng kulay PINK. i lab ya!!!!!
("O, Ano Na Tayo?")
Ano na nga ba ako? erm... ganon pa din hehe.
Tulog sa umaga at alive na alive sa gabi.
I'm the queen of the night!!!! ..... or not really.
Medical insurance customer service rep who still can't believe she can talk to strangers ALL NIGHT LONG, and not only that, she talks to these strangers who come from the other side of the world!
teka, wala akong headset, limited lang english ko. haha.
basta i miss you guys............
and sometimes, i miss nursing too. (aww.)
ayun lang muna.
I'm looking forward to reading interesting stuff from you beautiful people! . ^_^.
Take care, all of you! wherever you may be at!
=)
salamat vhel sa pagpapaubaya mo sakin ng kulay PINK. i lab ya!!!!!
("O, Ano Na Tayo?")
Ano na nga ba ako? erm... ganon pa din hehe.
Tulog sa umaga at alive na alive sa gabi.
I'm the queen of the night!!!! ..... or not really.
Medical insurance customer service rep who still can't believe she can talk to strangers ALL NIGHT LONG, and not only that, she talks to these strangers who come from the other side of the world!
teka, wala akong headset, limited lang english ko. haha.
basta i miss you guys............
and sometimes, i miss nursing too. (aww.)
ayun lang muna.
I'm looking forward to reading interesting stuff from you beautiful people! . ^_^.
Take care, all of you! wherever you may be at!
=)
Wednesday, June 16, 2010
Mahirap Magkaprobee
Hay. Parang kailan lang. probee ako bilang isang nars. pero ngayon may probee na ako. Nakakapressure kasi yung mga mali kong ginagawa na papasa na sa "pwede na" ay hindi na pwede ngayon kasi may tao na na kailangan mong turuan ng tama.
Dati bilib na ako sa sarili ko. Ngayon ang dami ko ng narerealize na mali na pala ang ginagawa ko at ginagawa ko lang dahil madali para sa akin. Ilan ba sa atin ang gumagawa ng shortcut dahil na rin ba matagal na tayong nars? masyado ng malayo kay Dean Vargas? Dahil wala ng grade na kailangang ipasa? O dahil ito rin ang pinakita sa atin ng ating mga Seniors?
Kaya salamat sayo, Probee. Nakakapressure ka. Napressure ulit ako sa trabaho ko haha.
Welcome Anna and Vhel! :)
@ Vhel: grabe girl asensado ka na! ang bongga mo sa london! Shet sana makasunod na ako dyan! Alis talaga tayo lagi! naaalala ko pa yung kahirapan natin nung college! haha.
eh.. ano na ako.. eto.. :p
gusto ko sanang iclaim ang PURPLE pero i'm sure papatayin ako ni francine kapag ginawa ko yun..
sabi ng mga batchmates ko dito ngaun, favorite color ko daw ang PINK..pero naunahan na rin ako ni florie dun since time in memorial.. :))
so dito ako.. kung anu mang kulay to.. APPLE GREEN??
post ng pic ng batang first time sa snow:

ako po si vhel. intensive care unit nurse sa britanya. paborito kong pasyente ang mga tulog at intubated :))
Oh-some!
ayan kiks, 2 na tayo! of kors, iclaim ko ang crayola brown--para namang may aagaw sakin nito...
ayos to. tmth ng frendster at facebuk!
ayos to. tmth ng frendster at facebuk!
Welcome Guys!
Hey guys, dahil kay Vhel, nabalik na naman ang allstar blogs! Super okay 'to lalo na ngayon na magkakahiwalay na tayo ng lugar. As usual kahit ano pwede ipost. Kung may nalimutan akong i-invite msg nyo lang ako sa facebook para mainvite ko sila. Kwento kayo kahit ano!
And don't forget to claim your color! As usual, manic orange ako! :)
Subscribe to:
Posts (Atom)