Wednesday, December 15, 2010

Prophecy

Flashback: January of 2010. Pumasok si Dr. Tabora sa Cathlab at tinanong nya lahat ng staff kung gusto daw magpahula. Since wala naman na akong ginagawa at that time, sige go na. Tutal naman, 100 lang. Hindi naman ako masyadong naniniwala sa mga hula-hula, it was just for fun... just to put some intrigue into my otherwise boring day.

So siempre, more chika more fun moments muna. Eto ang mga prophecies nya:

1. Makakaalis ka ng bansa ngayong taon. Noong una, akala ko makakapunta na ako sa London. Pero hindi pala yun ang ibig nyang sabihin. This year, nakapunta ako ng US, Hong Kong at Macau. Wala pa sa plano ko ang mga lakad na ito noong panahon na yon. Besides, marami rami rin akong nabisitang mga lugar dito sa Pilipinas. I give her 80%.

2. Wala akong problema. Ang problema ko ay ako. how true. ilang beses na rin tong na-affirm ni Chito, sabi nya minsan inaaway ko sya sa wala. hehehe. tomoo.. :) Alam nyo naman siguro na i over-analyze things, kahit simpleng chismis, gagawan ko pa ng prologue at epilogue. Siguro nga tama si Manang, kasi minsan sa kakainisip mo sa isang bagay, nagiging problema ito. Kanina wala kang problema, ngayon meron na. Sino ngayon ang may kasalanan?

at! ang pinaka the BEST!

3. May 2 lalaking nagmamahal sayo ngayon. Isang galing sa past mo, isang meron ka ngayon. May babalik sayo, pero kung ako sayo, dun na lang ako sa kung anong meron ka ngayon. Mahal na mahal ka nya, at kaya ka niyang antayin.

HUWAAAAAAAAAAAT MANANG BOLA?

Well, at that time, hindi naman ako masyadong nagpanic. Kasi, nagdadate pa lang kami ni Chito noon, and I was going out with other guys as well. Although 1 year na rin kaming nag dadate, wala pang something credible para masabi mo na kami na nga. Hindi ko nga alam non kung nagdadate kami non, or nagkakataon lang magkasabay kme kumain. anyhoo, dito na naging THE BEST si MANANG.

4 days after this prophecy, nagtxt si Joey. from out of nowhere. huwaaaaaaaaat? hindi ko matanggap ito. grabe talaga guys, as in erector pili moment talaga ang lola nyo non. sabi nya, kung pede daw kami magkita that night, kasi nagbreak na sila ng girlfriend nya.

Note: hindi na ako magkwekwento, alam nyo na ang kwento.

nagbreak na sila? for real? shet! kung nangyari lang to 1 year ago, 2009, aba, full force ahead na ito! itong lalaki na to na binaligtad ang pagkatao ko, nagiisang lalaki na napababa ako sa pedestal ko para lang magmakaawa ka sa kanya na piliin ako ,eh eto na naman, sa pinto ko. kumakatok.

nagkita kami.

sa pagkikita namin, parang nasa nirvana na naman ako. yon ang problema eh. hindi ko nakikita ang mga pagkukulang nya, at ang pagkabulag ko sa mga pagkukulang nya. kasi, alam nyo naman, siya ang childhood sweetheart ko. 10 taon na cyang labas masok sa buhay ko. it was like, the guy you have always imagined at the end of the church aisle. nandyan na cya.

finally! happy ending! F you manang bola!

matapos nya akong palamutian ng mga matatamis na salita, matapos kong seryosong isipin na lumayo kay Chito, eto ang linya ng lolo nyo:

Umm.. I'm not ready for a relationship with you right now eh.. gusto ko munang maging binata..

ay gago pala to eh! kung kutusan ko kaya? right then i remembered what manang bola said. about how i should choose the one who was in my life right now. ang dami ng nagadvice sakin against joey.. pero wala akong pinakinggan. i decided to take a stranger's advice.

nung gabi rin na yon, tinext ko si chito. sabi ko kailangan naming magkalinawan. ayon, nalinawan na nga ako - kung sino ang lalaking deserving sa laki ng pagmamahal na kaya kong ibigay. naisip ko yung lahat ng taon na nagpakatanga ako sa kanya, na natake advantage ako sa kahinaan at kalungkutan ko. samantala, si Chito, although an unlikely choice, became the best choice i have ever made in love. First time i ever included my brain in decision making in love. dati kasi heart lang. then naging heart and vagina. ngayon. 3 na sila.

ngayon, 1 taon after ako hulaan ni manang bola, kami pa rin ni Chito. he taught me that love was not in 1 fleeting passionate moment. not meeting in wee hours of the night, or saying sweet nothings to each other.
tinuro nya sakin na kapag sinabi mong mahal mo ang 1 tao.. you stick by them, and you mean what you say when you say i love you.
tinuro nya sakin na ang love pala, eh mahaba, malayo, malawak.
tinuro nya sakin na pareho kayong may mga pagkukulang, at dapat pareho kayong mag aact para mapabuti ang isa't isa.
tinuro nya sakin na ang tunay na pagmamahal, walang kaso kung gaano kayo kalayo, gaano kayo kadalas magtext. basta pag nagkasundo na kayo na magmahalan. yun na yon. walang pero pero. unli love ito.
and most of all..
tinuruan nya akong mahalin at pahalagahan ang pagkatao ko. a virtue i thought i had lost.

the point is.. gago talaga si joey. at kung pinilit ko yon, sang kangkungan ako pupulutin ngayon?
hahahahaha.
the point is.. may pagka-nostradamus si Manang bola..
the point is.. hindi mo kailangan masaktan para matuto. unless matigas ang ulo mo.

ang masasabi ko lang. maganda pa rin ako. HAHAHAHA.

eto na vhel. :)

Tuesday, October 26, 2010

monday dental drama

well, as you all know from my posts sa peysbuk.. i've been battling a terrible toothache for on and off 3 months na ata.. i finally decided to go to the dentist last week to get it all sorted out and turned out that i needed a filling.. so there! but putaena mga pare, after nya gawin mas naging worse ang saket!! 4 days after: ROOT CANAL!

nakakalerkey talaga yung sakit even after the 2 shots of local anaesthesia. naiyak nako!! wth??
para akong bata kase i was thinking na twas so scary, and i was all.. ALONE.

i had to leave the clinic at dusk, with some drizzle outside, feelin' all cold and had to take a long walk home (approximately 25 minutes).. then as i was walking umandar na naman ang pagka-emo ko (a.k.a pagkapraning)..

then naisip ko rin ang rapid turn around ng image ko from boring college student to... party animal??
(KONEK: ekai's post FOR ONCE IN YOUR LIFE)
tomador. petix. yan na ko ngaun. (or at least yan ang interpretation sakin ng mga frends ko after college).. oh well, these people seldom take me seriously. panay daw kase ako biro. actually, dinadaan ko lang naman kase sa tawa yung mga bagay2 paminsan, defense mechanism ba!! and come to think of it, i never had a 'real boyfriend' since college. i'm beginning to think that my being 'petix' is repelling a serious romantic relationship.

. . .

gusto ko lang naman may kasama na ako ulit magsimba,
na tumambay sa starbux habang nagppeople-watching,
mag window shopping,
makausap habang break ko.. or break nya..
or just someone to cry to when shit happens.

Thursday, October 7, 2010

kusinero at yaya

ngluto ako ng beef steak at adobo last week. ngaun lasagna nmn.

masarap dn pla magluto. well, swerte ng girl na nkahuli sa akin!

meron n syang all-around boy. matuto lng ako mg drive ng right hand drive car wala n syang hahanapin pa. san ka makakakita ngaun ng mabait, mapagpasensya, maunawain, matalinom, funny, marunong magluto, naglilinis ng bahay at naglalaba na pogi, matipuno at yummy na boy!

Tuesday, October 5, 2010

For Once In Your Life

May mga bagay na gusto kong gawin kahit isang beses lang sa ipinagkaluob sakin ni Lord na buhay. Average lifespan today is what? 65 years? 70 if you get lucky? Sa edad natin ngayon, pretty much alam mo na kung anong klase ka ng tao. Good girl ka ba? Good girl na may kulo? Pasaway? Wei wu Wei? Control freak? Loser?Acheiever?

Once na na categorize ka na, mahirap na i-divert ang buhay mo. Example: pag nabuntis ka out of wedlock, na hindi pa natatapos ang pag-aaral, kahit ano pang encouragement ang sabihin ng ibang tao sayo, inilalagay ka pa rin nila sa category: sinayang ang buhay.malandi. parang NANDA lang. hehe.

personally.. sa tingin ko lang naman, nacategorize ako sa good girl: 97% of the time. ibig sabihin lahat ng tao ineexpect ako na magdesisyon ng tama. magtapos ng pag aaral, makapasa sa mga exam, sumunod sa curfew, magkaroon ng maayos na trabaho,hindi magdroga, hindi maging pakawalang babae, maging loyal, responsible at mangarap ng mataas.

hanggang dun na lang ba? should we be confined to what society thinks of us?

these past few days, i have been thinking of a alot of things. most of the time i do live up to expectations, pero MINSAN talaga gusto ko lang maging parang EWAN. the other night, i went drinking until 2am in the morning. napakaunlikely sakin dahil hindi naman ako malakas uminom, saka tulog na ako by 9pm.

nagalit si Chito kasi sa kung ano anong etchos. umaga na daw ako umuwi, lasing daw ako.. etc etc.. to tell the truth, i really didnt care. i had fun. i felt like i was ALIVE and not confined by so many many rules of behavior.

i was never a party girl. but i want to experience being one. kahit 1 gabi lang. alam nyo yun? yung talagang EFFORT ang hair and makeup. contodo porma with 4 inch heels. bar hopping hanggang endorsement na pala ng 6am.

Sobrang babaw lang.. pero kahit mga OC-OC na, manang pa.. may karapatan ring mangarap. hehe.

Wednesday, July 21, 2010

the hardest things

(edited: mali pala ako ng kulay. lol!)

the last month was quite fast-paced para samin dito. ewan ko. masyado lang cgurong busy sa trabaho at sa mga extra curricular activities na kailangan para masabing tao talaga kami at hindi robot na trabaho lang ang gnagawa sa buhay.

hmm.. ano ba?.. nag clubbing kame with batchmates, double up party un wid mark & cj kambal (andun din c reagan decena at lyra, kaso basag na cla nung dumating kami sa bar so wla rn kwentang mkipagusap sa kanila)

pagkatapos nun pinasyal namen ang UST singers sa london--d usual places.enjoy naman kahit 3 days lang namen cla inampon at nakachika. ang galing nila, as in! lumaban cla sa wales at naging choir of the year cla. winners talaga!

tapos magkasabay na bday celebration ng dalawang batchmates, sa magkaibang bahay. wasak na naman ang mga tao, at mukang binagyo ang bahay namen pagkatapos.

then back to work.
super pagod ako ngaun. buong araw akong nasa kama lang. tapos may mga naaalala akong mga bagay:

* ang hirap maging HONEST. i had a dying patient na alam ko nang ndi na magtatagal, tinatanong ako ng relatives kung gano pa katagal cya aabot, ang sabi ko, wla sa posisyon kong magsabi nun, ang alam ko lang malala na cya at mas makakabuting magpunta na lahat ng kamag-anak nila bago pa mahuli ang lahat. ilang beses ko prinaktis ang sasabihin ko bago humarap sa kanila, naninikip pa ang dibdib ko pagkatapos kasi alam ko, alam kong ibinagsak ko lahat ng pag-asa nila. tama naman pala ako, 2 hrs after i said that--wala na ang patient.

* magrisk ng mga bagay bagay. particularly sa relationships. natatakot ako ulit umibig (naman, cheezy!!) dahil natatakot akong mawala ang mga importanteng tao sa buhay ko, natatakot akong mag-isa, natatakot akong masaktan. tapos ngayon bumabalik ako sa unang statement kong mahirap maging honest--ang hirap umamin ng tunay na nararamdaman, lalo na kung sya ang iririsk ko/namen--ang friendship namen ng closest friend ko dito. (well, yeah, that's a different story. lol!)

* tanggapin na wala na talaga. mabalik tayo sa trabaho ko, ang pasyente ko for 56 days passed away yesterday. it was so depressing for me watching his blood pressure go down to systolic of 40's--ang kaso NFR na sya, yun nalang talaga gagawin ko, watch him take his last few breaths, stand with his family in his last few minutes. 3 hrs after mag flat line, nagiiyakan pa rin ang family. naiintindihan ko naman sila, i can feel their pain. i've been there.. at para na rin yan sa bigong lab stories, kahit gano mo pa gustong irevive, kung wala na, wala na talaga. there are just some things we can never get over with, we would just learn how to live with it, eventually.

these are the things that i find hardest these days, but if these things didn't exist, we would not be able to appreciate the best things in life. the opposites of these, the moments wherein we overcome these hardships.

Tuesday, July 6, 2010

Pressure at 100

Sinabi sakin ni Yyen dati nung first year na masyado daw akong maraming requirements sa lalaki. Yun naman ay dahil gusto kong maging boyfriend si Tuxedo Mask. Nitong time na to eh NBSB pa ako na galing sa isang all girls school. So ang experience ko sa lalaki ga 5/100.

Dapat ko nga bang ibaba ang standards ko when it comes to love? Just because everybody's doing it?

Alam nyo naman ang love life ko noon, so di ko na ikwekwento. Pero ang masasabi ko lang na kahit sabihin ko pa noon na hindi ako naprepressure na lahat eh nagkakaboyfriend... ramdam ko pa rin. Ramdam ko kapag may nagtatanong na: "O, bakit wala ka pang boyfriend?"

Parang, teka, is something wrong with me?

A few years has passed. May boyfriend ako.. in-love ako. Experience ko sa lalaki, hmm, mga 45/100. Maraming nagbago, pero one thing remains the same. Pressure. Madami daming mga ka-batch or ka-edad ang:

A: nasa abroad at dumadakot ng pera "ano na nangyayari sa mga application mo?"
B: may anak "mag-anak ka na baka magka-kanser ka na" - c/o Zherdy
C: may asawa "hindi pa ba kayo magpapaksal?"
D: Both B and C
E: may boyfriend at nagsesex sila "bading ba yun?!"

Dapat na naman ba akong mapressure to conform? Dapat ba na ngayong 25 y/o na ako eh may asawa, anak, at madaming pera na? Teka, ano ng gagawin ko sa natitirang 60 years?

Maaring sabihin na hindi ka naprepressure ng society at ng pamilya at mga kaibigan ko. Para sa katulad kong nag-iisa sa buhay, madaling sabihin na, "I am my own person" pero, how much of my own person is influenced by the decision of others? How do i know i am not copying THEIR plans?

Pero hindi ko maidedeny na nararamdaman ko ang pressure. Ako lang ba?

Monday, June 28, 2010

one moment please!

ahihi.

kwento ko lang yung nangyari sakin kanina.

It was an ordinary (tiring, stressful, loooooong) night at the office and I was a bit sad when I learned I had to go home alone. Usually, I have someone who goes home with me and we chat about what happened during the shift and laugh all the stress away.....but because of my change in schedule, I could not wait for them. Anyway, I arrived at Petron in Main Avenue and waited for my bus. I thought I was going to wait long when the bus came and it stopped for me.
I was about to go up, when suddenly a guy came rushing down and I had to make way for him and then I heard,

"Angela!"

I looked up and saw this guy from where I previously worked, and woah! I was so surprised I just had time to say his name..........
(Parang pang-movie moment lang yung part na yun, I swear )

and then I went up the bus.

STUPID.

C'mon, this was the guy... you know, basta... THE GUY that I almost liked before. I just did not have time to get to know him then because I had to resign. And seriously, ( I don't care if he reads this) I was secretly/somewhat flirting with him then, and that was when I learned, flirting was fun pala! hihihi. Basta, he made so many kilig moments before that it still makes me smile whenever I think about them and it's making me wish there was someone who could make me feel that way again now.

But you know, it was a surprise kilig moment and well, it made my morning. =)
Nevermind that I did not have someone with me going home today, coz I just saw SOMEONE who I did not expect to see.


It was stupid to just let go of the moment because it actually looked awkward that I went up and left him there. But the bus stopped for me, and baka sagasaan lang ako ng bus sa gitna ng Edsa kung nakipagkamustahan pa ako sa kanya?
Not bad eh, for a happy ending.

And it was also kind of embarrassing because I went up the bus still, and you know, looked out the window and what I did was, just kind of WAVED at him with a BIG SMILE to say,
"Nice to see you again, you still look cute! even if you have a big payong and you look like you're wearing your pambahay!!!"




hay nako.







o, ano na nga ba?
eto, SINGLE pa din ako.





Tuesday, June 22, 2010

deprive sa beach

@ Vhelie:
Naexperience ko na din ang paglalawa ng poopsie dahil sa lactulose... dahil every 5 days mag poopsie at super constipated, increased to twice a day ang mahiwagang pampadumi... and finally, umeffect din ang lactulose after so many years na madalang na pagpopoo ng patient ko kahit may sennokot na... lumawa siya, at isama mo pa ang pagkutkot ng diaper ng patient almost every hour dahil sa poopsie hehe

@ Ekai:
Pangarap ko din ang pangrap mo... kaya lang sa panahon ngayon, di pa practical para tupadin ang pangarap na yun hehehe... pangarap ko din magaral ng cosmetology, para pwedeng may side line racket sa make-up :) korek ka na masarap maligo sa ulan, enjoy lalo na pag kasama ang mga katropa... yaan mo na din, d din kami natuloy nung sat, madaming nangyari hehe... pero niyaya din ako ni Jigs na manuod kanina... so nawatch ko na ang SATC 2 hehe...

Hay!!! Its been more than a year since I went to the beach to relax... the last time was Dec 6-7 if i recalled it correctly malapit sa Laiya sa Batangas... since then, di na nasundan... dahil every time na may magyayaya, parati akong hindi pwede dahil sa mga sumusunod na mga kadahilanan:

1- dahil sa false alarm na bagyo last year, d ako pinasama sa puerto...
2- dahil sa biglaan ang plano, d kayang magawan ng paraan makasama dahil may duty
3- available naman pero walang makasama papunta magbeach, dahil d naman pwede na si jigs lang ang kasama ko dahil di din kami papayagan

sabi nga ni nio, ang looser ko dahil d pa ulit nakakapagbeach... oo na! hehehe

namimiss ko na:
ang sinag araw na dadampi sa balat ko at mag-iiwan ng tan line...
ang buhangin na lulubog ng bahagya kapag ito'y nalalakaran at ang pakiramdam sa paa kapag ako'y nakayapak...
ang mga puno ng niyog na ang mga dahon na tila nagsasayaw kapag humahangin...
ang simoy ng hangin ng tabing dagat...
at ang payapang gabi na may kasamang malamig na hangin sa gabi...

huhu, gusto ko na magbeach... :( beach naman tayo... off ako sa july 8-10

at magkita kita naman tayo dahil dadating si rj, off ako ng july 3

hi!

('v')

Basang Basa sa Ulan / Ako ay isang Eternal NPA

nyahaha. kawawa ka naman vhel. may mga pasyente talagang nananadya minsan. kung bakit sa dinami dami ng nurse na nagaalaga sa kanya. ikaw ang napili nya para gumawa ng mga kakaibang bagay.

@ RJ: oi kita tayo paguwi mo ha! :)

Last saturday, may Rock and Run marathon ako sa the Fort, pero maraming dahilan kung bakit ayaw kong pumunta:

1. Nakakatamad
2. 2 weeks akong walang jog dahil sa maraming bagay na hindi ko alam kung importante ba o ano
3. nababadtrip ako dahil maglilipat na naman ako ng bahay

(Sa totoo lang friends, nalulungkot ako lagi kasi lilipat na naman ako ng tirahan. Kayong mga may magulang pa, or nakatira sa mga magulang nyo, magpakain kayo sa bahay ninyo lagi kasi hindi nyo alam kung gaano kayo kaswerte na may bahay kayong PERMANENTENG titirahan at alam nyo na kahit na anong mangyari, may sasalo sa inyo. Mahirap maging mag-isa. Kaya ang tanging pangarap ko sa buhay at hindi maging isang supermegapowerful NARS or businesswoman. Gusto kong maging isang asawa at ina, na may bahay na permanenteng titirahan. Yun lang. Gusto kong maging parte ulit ng isang pamilya. Maulit manlang sa buhay ko. End Emo Mode)

Pero siempre tumuloy pa rin ako dahil i had nothing better to do that day, since i cancelled na movies with the girls dahil akala ko makakapaghanap ako ng lilipatan that day, pero hindi rin pala dahil naginarte na naman yung unit owner namin.

Anyhoo, habang kumakain ako ng Krispy Kreme (wag ka na magtanong RJ kung bakit ako kumakain ng fatty foods kahit mag jog ako. READ: CARBO LOADING hehe) biglang bumuhos ang MALAKAS na ulan (to add insult to injury).

TANONG: tutuloy ba ako tumakbo? kahit na alam kong pwede akong magkasakit? kahit na alam kong BAGYO ang haharapin ko? kahit na mababasa pati panty ko?

Hindi pa ako nakakaligo sa ulan EVER. kahit nung bata ako hindi ako pinapayagan kasi baka daw magkasakit ako. So, What the hell?

Tumakbo ako ng 5 kilometro sa rumaragasang ulan, baha at polusyon.
It was one of the most memorable and happiest experiences of my life.

Naramdaman kong maging malaya, pasaway at the same time.
Parang ang sarap mabuhay.
Parang sukdulan na ang buhay ko nung mga panahon na yon.

Paglagpas ko ng finish line, hindi na ako buraot dahil lilipat na naman ako ng bahay, or nalulungkot ako dahil maghihiwalay na kme ng roomate ko. Or dahil sobrang toxic ko.

Basta masarap lang mabuhay. Kaya ko pa. Hindi pa ako susuko. :)

Sunday, June 20, 2010

shitty day.

miss A.T. 28 year old female,weighs 80 kgs. type 1 respiratory failure. intubated, mechanically ventilated & a slow wean, then got a tracheostomy. now ventilates via trachy mask with intermittent periods on the non invasive ventilator at night.
social history includes IV drug abuse, massive alcoholic beverage intake (2 liters vodka/day + cider). this made sedation extremely difficult.

--yan.. yan ang usual endorsement namen sa pasyente namen for almost 2 months. sakin nya napipiling magtoxic, magundergo ng scans at magrestless at magdesaturate ng bonggang bongga!!

one fine night (or so we thought), step down na cya sa high dependency (hdu)..pasyente ko na naman cya.PETIX NA!!konti lng ang gamot at infusions.may konteng sedation at antibiotics.may lactulose at senna at 10pm.

for some reason,natoxic kame sa HDU, so madalian portion na.. LACTULOSE 60cc per NG. ksama ng mga ibang gamot.nagbuhos ako ng lactulose ksama ng ibang 10 o'clock meds tpos binigay ko na.

'hmm, parang 60 cc na ata yun.. or not?? naku napasobra ata. haha! yaan na.. lactulose lang naman. hindi nga to tinatablan ng suppository eh' .. kahit na mukhang napasobrahan ko ang paglalagay ko, hahaha! konti lang naman. approx ba!

12mn--nagbreak ako.pagbalik ko..super duper mega restless na ang pasyente ko!!bumababa ng bed..naghahanap ng sedation. max na kami sa clonidine. nag haloperidol na rin kame chaka midazolam. it didn't touch her. then she started pooing like hell. almost every hour. cyempre ever linis kame. life was like that until 6am--when she passed out a freaking huge amount of POO!! it was like the godfather of all poo!!

then she fell asleep.
like a baby.

moral of the story: wag gawing cooking class ang pagbebedside nursing. :p

Saturday, June 19, 2010

o! ano! haha

sa wakas nakasali din ako! hehe

d ko alam na my color pla dpat dito... kya blue na lng ako...

balitaan, kwentuhan, kamustahan...

kamusta na ba tyong lahat? hehe ako?

ganun p din ata, mataba pa din, masayahin pa din...

nag nunurse nursan dito sa probinsya namin para mgka experience... sana makaalis na tyong lahat dito sa pilipinas... hehe

Thursday, June 17, 2010

neurotic na...

After 4 years, this is it pansit! may work na sa hopsital...

akalain niyo na ang pinost ko 4 years ago ay may katumbas na consequece:

Grabe, I missed school as in... I missed our professors and the stuff we're doing so class and duty. I missed Sir Hibek, Sr. Vinoya, Ma'am Manansala, Ma'am Arenas, Ma'am Llanes, Ma'am Buenaflor. I even missed Doctor Guiang e! and the other professors we're under. I even missed the smell of the hospital and wearing an all white uniform, a cap, establishing rapport with the clients and doing stuff, I missed Ma'am Lasala who locks the student room during duty, doing morning care, doing bedmaking and stretching of sheets in Ma'am Tionko's time, the Spanish sardines snacks with Ma'am Llanes and A LOT of NGT feedings in San Vicente Ward!!!

at ayan na nga, namiss ko ang NGT feedings 4 years ago, at dahil dun, *wapak!* nilagay ako sa area na may sangkatutak na Osteorized Feeding.... sa Neuroscience na least expected unit na malalagay ako... hehe

parang premonition ba ito?! haha
HELLO!!!

salamat vhel sa pagpapaubaya mo sakin ng kulay PINK. i lab ya!!!!!

("O, Ano Na Tayo?
")

Ano na nga ba ako? erm... ganon pa din hehe.
Tulog sa umaga at alive na alive sa gabi.
I'm the queen of the night!!!! ..... or not really.

Medical insurance customer service rep who still can't believe she can talk to strangers ALL NIGHT LONG, and not only that, she talks to these strangers who come from the other side of the world!

teka, wala akong headset, limited lang english ko. haha.

basta i miss you guys............
and sometimes, i miss nursing too. (aww.)

ayun lang muna.

I'm looking forward to reading interesting stuff from you beautiful people! . ^_^.
Take care, all of you! wherever you may be at!


=)



Wednesday, June 16, 2010

Mahirap Magkaprobee

Hay. Parang kailan lang. probee ako bilang isang nars. pero ngayon may probee na ako. Nakakapressure kasi yung mga mali kong ginagawa na papasa na sa "pwede na" ay hindi na pwede ngayon kasi may tao na na kailangan mong turuan ng tama.

Dati bilib na ako sa sarili ko. Ngayon ang dami ko ng narerealize na mali na pala ang ginagawa ko at ginagawa ko lang dahil madali para sa akin. Ilan ba sa atin ang gumagawa ng shortcut dahil na rin ba matagal na tayong nars? masyado ng malayo kay Dean Vargas? Dahil wala ng grade na kailangang ipasa? O dahil ito rin ang pinakita sa atin ng ating mga Seniors?

Kaya salamat sayo, Probee. Nakakapressure ka. Napressure ulit ako sa trabaho ko haha.


Welcome Anna and Vhel! :)
@ Vhel: grabe girl asensado ka na! ang bongga mo sa london! Shet sana makasunod na ako dyan! Alis talaga tayo lagi! naaalala ko pa yung kahirapan natin nung college! haha.

eh.. ano na ako.. eto.. :p

gusto ko sanang iclaim ang PURPLE pero i'm sure papatayin ako ni francine kapag ginawa ko yun..
sabi ng mga batchmates ko dito ngaun, favorite color ko daw ang PINK..pero naunahan na rin ako ni florie dun since time in memorial.. :))

so dito ako.. kung anu mang kulay to.. APPLE GREEN??
post ng pic ng batang first time sa snow:



ako po si vhel. intensive care unit nurse sa britanya. paborito kong pasyente ang mga tulog at intubated :))

Oh-some!

ayan kiks, 2 na tayo! of kors, iclaim ko ang crayola brown--para namang may aagaw sakin nito...

ayos to. tmth ng frendster at
facebuk!

Welcome Guys!

Hey guys, dahil kay Vhel, nabalik na naman ang allstar blogs! Super okay 'to lalo na ngayon na magkakahiwalay na tayo ng lugar. As usual kahit ano pwede ipost. Kung may nalimutan akong i-invite msg nyo lang ako sa facebook para mainvite ko sila. Kwento kayo kahit ano!

And don't forget to claim your color! As usual, manic orange ako! :)