Tuesday, July 6, 2010

Pressure at 100

Sinabi sakin ni Yyen dati nung first year na masyado daw akong maraming requirements sa lalaki. Yun naman ay dahil gusto kong maging boyfriend si Tuxedo Mask. Nitong time na to eh NBSB pa ako na galing sa isang all girls school. So ang experience ko sa lalaki ga 5/100.

Dapat ko nga bang ibaba ang standards ko when it comes to love? Just because everybody's doing it?

Alam nyo naman ang love life ko noon, so di ko na ikwekwento. Pero ang masasabi ko lang na kahit sabihin ko pa noon na hindi ako naprepressure na lahat eh nagkakaboyfriend... ramdam ko pa rin. Ramdam ko kapag may nagtatanong na: "O, bakit wala ka pang boyfriend?"

Parang, teka, is something wrong with me?

A few years has passed. May boyfriend ako.. in-love ako. Experience ko sa lalaki, hmm, mga 45/100. Maraming nagbago, pero one thing remains the same. Pressure. Madami daming mga ka-batch or ka-edad ang:

A: nasa abroad at dumadakot ng pera "ano na nangyayari sa mga application mo?"
B: may anak "mag-anak ka na baka magka-kanser ka na" - c/o Zherdy
C: may asawa "hindi pa ba kayo magpapaksal?"
D: Both B and C
E: may boyfriend at nagsesex sila "bading ba yun?!"

Dapat na naman ba akong mapressure to conform? Dapat ba na ngayong 25 y/o na ako eh may asawa, anak, at madaming pera na? Teka, ano ng gagawin ko sa natitirang 60 years?

Maaring sabihin na hindi ka naprepressure ng society at ng pamilya at mga kaibigan ko. Para sa katulad kong nag-iisa sa buhay, madaling sabihin na, "I am my own person" pero, how much of my own person is influenced by the decision of others? How do i know i am not copying THEIR plans?

Pero hindi ko maidedeny na nararamdaman ko ang pressure. Ako lang ba?

4 comments:

  1. hindi lang ikaw ang napepresure gurl... ako din haha!

    at dahil un sa 5 reasons na binigay mo :)

    mama ko nga, kunf siya ang masusunod by 26 e magpapakasal na ako... e that is few months to go no... pero d pa pwd :)

    ReplyDelete
  2. girl, di lang ikaw. anu ka ba. hehe.
    my tita who used to greet me with the same question "o may boyfriend ka na ba?" pag nagkikita kami recently changed the greeting to " o etong matandang dalaga na to....!" hmmmm.

    in the end, it's all about kung saan ka masaya. yun lang masasabi ko. =)

    ReplyDelete
  3. korek ka dyan flor! kung saan ka masaya dun ka! mahirap naman kasi na ur pressuring urself to get married pero d ka pa ready

    ReplyDelete
  4. haha! natawa ako sa c/o zherdy... kng d kyo mgpapapressure d kyo mappressure.. un lng un.. kng san masaya dun tyo... mga bata p tyo, chill lng... hehe

    ReplyDelete