Tuesday, June 22, 2010

Basang Basa sa Ulan / Ako ay isang Eternal NPA

nyahaha. kawawa ka naman vhel. may mga pasyente talagang nananadya minsan. kung bakit sa dinami dami ng nurse na nagaalaga sa kanya. ikaw ang napili nya para gumawa ng mga kakaibang bagay.

@ RJ: oi kita tayo paguwi mo ha! :)

Last saturday, may Rock and Run marathon ako sa the Fort, pero maraming dahilan kung bakit ayaw kong pumunta:

1. Nakakatamad
2. 2 weeks akong walang jog dahil sa maraming bagay na hindi ko alam kung importante ba o ano
3. nababadtrip ako dahil maglilipat na naman ako ng bahay

(Sa totoo lang friends, nalulungkot ako lagi kasi lilipat na naman ako ng tirahan. Kayong mga may magulang pa, or nakatira sa mga magulang nyo, magpakain kayo sa bahay ninyo lagi kasi hindi nyo alam kung gaano kayo kaswerte na may bahay kayong PERMANENTENG titirahan at alam nyo na kahit na anong mangyari, may sasalo sa inyo. Mahirap maging mag-isa. Kaya ang tanging pangarap ko sa buhay at hindi maging isang supermegapowerful NARS or businesswoman. Gusto kong maging isang asawa at ina, na may bahay na permanenteng titirahan. Yun lang. Gusto kong maging parte ulit ng isang pamilya. Maulit manlang sa buhay ko. End Emo Mode)

Pero siempre tumuloy pa rin ako dahil i had nothing better to do that day, since i cancelled na movies with the girls dahil akala ko makakapaghanap ako ng lilipatan that day, pero hindi rin pala dahil naginarte na naman yung unit owner namin.

Anyhoo, habang kumakain ako ng Krispy Kreme (wag ka na magtanong RJ kung bakit ako kumakain ng fatty foods kahit mag jog ako. READ: CARBO LOADING hehe) biglang bumuhos ang MALAKAS na ulan (to add insult to injury).

TANONG: tutuloy ba ako tumakbo? kahit na alam kong pwede akong magkasakit? kahit na alam kong BAGYO ang haharapin ko? kahit na mababasa pati panty ko?

Hindi pa ako nakakaligo sa ulan EVER. kahit nung bata ako hindi ako pinapayagan kasi baka daw magkasakit ako. So, What the hell?

Tumakbo ako ng 5 kilometro sa rumaragasang ulan, baha at polusyon.
It was one of the most memorable and happiest experiences of my life.

Naramdaman kong maging malaya, pasaway at the same time.
Parang ang sarap mabuhay.
Parang sukdulan na ang buhay ko nung mga panahon na yon.

Paglagpas ko ng finish line, hindi na ako buraot dahil lilipat na naman ako ng bahay, or nalulungkot ako dahil maghihiwalay na kme ng roomate ko. Or dahil sobrang toxic ko.

Basta masarap lang mabuhay. Kaya ko pa. Hindi pa ako susuko. :)

1 comment:

  1. wla bang like d2? pwedeng ilike lng ung post na walang comment? hehe

    ReplyDelete